Ano ang ibig sabihn ng

maging isang Kristyano?

Naniniwala ang mga Kristiyano sa Ebanghelyo: ito ang pamamahayag na winasto na ng Diyos ang relasyon natin sa kanya sa pamamagitan ng pagbigay ng sarili niyang Anak, si Hesus, para mamatay sa halip natin, para sa ating mga kasalanan. At lahat ng magsisisi at magsasampalataya sa Kanya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 1. Ang ibig sabihin ng ebanghelyo ay "magandang balita." Ito ang 6 na pinakamahalagang katotohanan ng EBANGHELYO. 2:

I

nilikha tayo ng Diyos upang makasama Siya

Colosas 1:6

Kung paanong sa buong daigdig ay namumunga at lumalaganap ang ebanghelyong ito, ay gayundin naman sa inyo, mula nang araw na inyong narinig at naunawaan ang tunay na kahulugan ng biyaya ng Diyos.

Ang Diyos ang Maykatha ng Buhay, at nilikha niya tayo upang magkaroon ng personal na relasyon kasama niya. "Sa kanya tayo, at utang natin ang pagpapasalamat sa kanya para sa bawat hininga natin, bawat sandali, lahat-lahat." (3)

A

ng kasalanan natin ang

humihiwalay sa atin mula sa Diyos.

Roma 3:23

Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.

Roma 6:23

Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang walang-bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Hesus na ating Panginoon.

Walang bahid, mabuti, at makatarungan ang Diyos... at tayo'y hindi. Nagkasala at hindi natin kayang abutin ang banal na pamantayan ng Diyos. Tinanggihan natin ang Tagapaglikha at Panginoon ng Buong Buhay, at nararapat lang sa atin ang poot ng Diyos. Permanente na tayong hiwalay sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan.

H

indi matatanggal ang mga kasalanan

sa pamamagitan ng mabubuting gawa.

Ang mga kasalanan ay hindi maaaring mabawi o matakpan ng mabuting pamumuhay.

Isaias 64:6

Lahat tayo'y naging marumi sa harapan ng Diyos; ang mabubuting gawa nati'y maruruming basahan ang katulad.

P

ara bayaran ang halaga ng ating mga kasalanan,

si Hesus ay namatay at nabuhay ulit.

ROMANO 5:8

Subalit ipinapakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo'y makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.

"Si Hesus ay Diyos mismo na bumaba sa mundo. Siya ay namuhay bilang tao na walang bahid ng kasalanan at namuhay ukol sa buhay na inutang mo - isang perpektong buhay. Tapos, binigay ni Hesus ang kanyang buhay bilang isang sakripisyo para sa ating mga kasalanan, tinanggap nya ang parusa at kamatayan na utang nating lahat. Kapag naniwala tayo sa kanya: 1.) ang ating mga kasalanan ay nabayaran na ng kanyang kamatayan, at 2) ang kanyang perpektong buhay ay inilipat sa atin. At dahil dito, ang Diyos ay tinatanggap at binabati tayo na para bang nagawa natin ang lahat ng nagawa ni Kristo."(4)

M

ay buhay na walang hanggang

ang lahat ng tinitiwala sa Diyos.

ROMA 10:9

Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon, at sasampalataya ka nang buong puso na binuhay siyang muli ng Diyos mula sa kamatayan ay maliligtas ka.

Kapag tayo ay nananampalataya nang buong puso na binuhay muli si Hesus ng Diyos mula sa kamatayan at ipinahahayag natin na si Hesus ay Panginoon, hindi mga mahikong salita ang pahayag na ito. Ito ang pagpapahayag ng ating panloob na pustura ng pagtitiwala at pananalig kay Hesus bilang ating Panginoon. Iyon lang ang kinakailangan upang makuha ang kapatawaran na inaalok ni Hesus sa lahat.

Mga Gawa 3:19

Kaya nga magsisi na kayo at magbalik-loob sa Diyos upang mapatawad ang inyong mga kasalanan.

N

agsisimula ang buhay natin kasama si Hesus ngayon,

at aabot hanggang sa magpakailanman.

Roma 5:10

Sapagkat kung noon ngang kaaway tayo ng Diyos ay ipinagkasundo tayo sa kanya sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang Anak, lalo na ngayong ipinagkasundo na tayo sa Diyos! Tiyak na maliligtas tayo sa pamamagitan ng kanyang buhay.

Dahil kay Hesus, naiwasto na ang relasyon natin sa Diyos - mayroon na tayong kapayapaan at naibalik na ugnayan sa Kanya. At ngayon, sa pagsunod natin kay Kristo sa buhay na ito at hanggang sa walang hanggan - wala nang pagkondena sa ating mga kasalanan - ito man ay nasa nakaraan, sa kasalukuyan, o sa hinaharap pa. Balang araw, makakasama na natin Siya sa Langit magpakailanman!

MGA KREDITO:
1 GREEAR, J.D. GOSPEL: RECOVERING THE POWER THAT MADE CHRISTIANITY REVOLUTIONARY, 4.
2 DARE2SHARE MINISTRIES. HTTPS://WWW.DARE2SHARE.ORG/TRAINING/HOW-TO-SHARE-THE-GOSPEL/.
3 KELLER, TIM. REDEEMER CHURCH & MINISTRIES, HTTPS://WWW.REDEEMER.COM/SKEPTICS_WELCOME/HOW_CAN_I_KNOW_GOD.
4 IBID.

Kung handa ka nang sundan si Hesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas, magdasal at ipaalam sa kanya.

Kung gusto mo, ito ang isang panalangin na maaari mong ipanalangin:

Panginoon, ako'y isang makasalanan higit pa sa aking pagkakakilanlan at gayunpaman, ako pa rin ay minamahal at tinanggap. Karapat-dapat akong parusahan para sa aking kasalanan, ngunit naniniwala ako na si Hesus na Anak ng Diyos ay namatay bilang kaparusahan ng aking kasalanan sa krus. Tinatalikuran ko ang aking dating buhay ng pamumuhay para sa aking sarili at isinusuko ko ang aking buhay sa iyo, aking mahal na Hari. Salamat, Diyos, sa pagligtas sa akin at pagmamahal sa akin. Ako ay nagtitiwala sa lyong hindi nagbabagong biyaya.

Sa pangalan ni Hesus, Amen.